Ilathala ang mga Marka ng Guro

Magagamit ang petsa na ito sa pagbalam ng paglalathala ng mga pagtatasa (at marka) na ginawa ng guro hangga't hindi dumarating ang petsang ito. Ang default ay nakatakda ang petsang ito sa petsa at oras ng pagkalikha ng workshop. Kapag hindi binago ang petsa, ang mga pagtatasa ng guro ay magagamit ng mga mag-aaral ilang minuto pagkatapos itong magawa (ang oras na ito ay karaniwang sa loob ng kalahating oras, ang "maxeditingtime"). Ang pagtatakda ng opsiyon na ito ay nagbibigay sa guro ng kakayanang itago muna ang kanilang pagtatasa hanggang matagal-tagal na ang takdang-aralin. Halimbawa, kung nais ng guro na itago ang kanilang pagtatasa hanggang katapusan ng pagpapasa, ang petsa ng Paglalathala ay kapareho ng petsa ng huling araw ng pasahan.